About

maxrobo tdm 8.1
gudolive productions 2009
mailto: maxrobo@rocketmail.com

powered by wordpress 2.7


1_822715940l

TUNGKOL SA MAY AKDA

si karlo marco d. luciano aka mister mako ay bunga ng pagmamahalan ng kanyang ama at ina sa isang malamig na gabi, dalawampu’t dalawang taon na ang nakalilipas.ipinanganak siya sa araw kung kailan sinasabing ipapanganak ang tunay na sugo, sa lugar na nagtatagpo ang mga bituin at nagsasalpukan ang kapalaran, ang batangas. subalit lumaki siya sa cubao na walang permanenteng tirahan at palipat lipat ng kuweba.

mula kinder ay nagaaral na siya. saksakan ng katamaran at punong-puno ng kalokohan. pasaway sa mga guro pero hindi napapagalitan. sadyang malakas kasi ang kanyang karisma at naguumapaw sa sex appeal. mahilig siya sa math pero hirap siyang magbilang. ang paburito niyang sport ay yung hindi nakakapawis. mahilig rin siya sa kulay kahel pero berde ang utak niya. hindi daw siya makakalimutin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kabisado ang cell number niya.

1_783397643l

contact me | credits | site map